♥ Tentenenententen!!!! ♥


Thursday, November 30, 2006

Kamon!
Kamon!
Kamusta naman ang araw na ito?!
Kagabi pa lang ay nag-announce na sila ng suspension of classes pero hanggang ngayon ambon pa lang ang dumarating dito samin!!! WTF?! Pero ayos yun, super long weekend kami. Wakokok. May time para gawin ang mga project, article, at magpahinga.
So kamusta naman, ala nanaman ako masabi.
Ay magkukwento nalang ako. I watched the movie SkyHigh this afternoon and it was awesome. Narealize ko tuloy bigla na gusto ko maging superhero! Uu, paramis, I want to save the world! Astig yun oh, kung may super powers ako. Eto ang mga super powers na gusto ko...
>>>Gusto ko makalipad! Para kasabayan ko si Superman at kung sino-sino pang man na nakakalipad! Saka kasi maliit ako, panu yan kung may kalaban ako na malaki?! Pisat kagad ako!
>>>Gusto ko nakakagawa ako ng maraming copies ng sarili ko! Para hindi lang isang tao ang massave ko sa isang moment! Chaka para naman hindi ako palaging haggard pag maraming ginagawa. Balak ko din gumawa ng cheering squad na puro ako lang ang member parang yung sa Sky High...
>>>Gusto ko ng power na nakakapagpasabog ng mga bagay! Parang yung kay Piper Haliwell sa Charmed! Kasi, kung may super strength ka lang, kailangan ng direct contact sa kalaban... eh maikli mga arms ko - panu yun diba? At least kung nakakapagpasabog ako ng mga bagay sa pamamgitan lamang ng pagbukas ng dalawa kong kamay, kahit long range yakang-yaka.
Yun nalang siguro muna. Baka kasi ako ang maging pinakasikat na superhero kung napakadami kong powers. Nakakahiya naman sa iba diba... Ayoko nga pala ng may sidekick. Kasi I believe in equal rights and all that crap. Pagdating naman sa costume... Ayoko ng tights and leotards. Gusto ko yung parang sa Sailor moon, palda para gurlalush. Pero nakaleggings padin syempre para nasa uso saka para di masyadong exposed ang mapuputi kong legs. Saka duh, dyahe naman kung tuwing tatalsik ako dahil sa pwersa ng kalaban ko eh lumalabas pwet ko. Ayoko naman ng may gloves at chaka nakaboots, maaalibadbaran lang ako dun sa mga yun. Gusto ko chucks na super high cut, mga 4 inches below the knee. Pero parang pangit pag ganun. Basta bahala na sa shoes. Sa color combination naman ayako ng pink and white, too girly. Ayoko din ng black, too hard core. Siguro violet nalang at... Hmn... Di ko alam. Dapat mag hanap ng superhero costume designer.
*Notice
Kung sino man ang makakapagbigay ng magandang design ng superhero costume na bagay sa mga super powers ko, magcomment nalang kayo at mag-iwan ng contact number.
Basta...
Gusto ko maging superhero.
At pag nangyari yon...
Kikilalanin ako ng buong mundo bilang si.....
Superjizew!!!!!!

Foxy
5:16 PM

|

The Butterfly

I'm a Girl. A big one.
{^_^}

My Friends

The charmed ones
The justice league
The powerpuff girls
The supeeer friends(weeee!)

zyrah joy kirstin monica joanne

The Past

September 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006

Credits

Layout by Alwy
@ Like A Queen

Counter

paste your counter code here