Friday, November 17, 2006Hay nakaw!!!!
Whataweek.
Alamu ba, pinalitan na ni Mam Cherry kahapon ang cheating arrangement namin!!! Nakakainis. I miss Joy and Ana na!!! Sa harap ako nakaupo, sa dulo, yung sulok ng classroom bale - kung saan napaka init at ma-chalk. Okay naman ang kinabukasan ko dahil "team" daw kami pag may test. Chaka katabi ko si Galiemee, eh generous naman kami sa isa't-isa sa mga panahon ng kakapusan sa sagot. Wakokok. Ang nanganganib lang ay ang timbang ko dahil pare-pareho kaming alang mga pagkain sa lugar na yon. Di tulad dun sa lugar ko dati kung saan parang canteen lang pag gutom kami. Tapos, tapos, alam niyo ba, may isa dun sa anim na nakapaligid sakin na MADAMOT sa pagkain. Nakakainis eh. Itago natin sya sa pangalang..... "Doon". Kasi, nung umaga palang tinanong ko si Doon kung may food-to-share ba sya, sabi nya oo, edi ako naman excited na mabigyan ng food. Eh maaga pa nun kaya naisip ko nalang hintayin kung kelan nya ko bibigyan. Tapos, tapos, after ng break, tinanong sya ni Kath kung nasan yung food nya, ang sabi ba naman ni doon nakain na daw nya! Ang walang hiya! Hindi man lang namigay! Tsk. Nainis talaga ko. Eh may quiz sa Physics kanina. Tinanong nya ko kung nag-aral ako, sabi ko oo, tapos tinanong ko din sya, sabi nya "medyo lang". Tapos yung tono ng boses nya, yung parang gusto nya sabihin na pakopyahin ko sya. Sa sobrang inis ko dahil di nya ko binigyan ng food, naisip ko na di ko talaga sya papakopyahin. Pero dahil ako'y isang mabait na bata, sinagot ko din yung isang tanong nya nung test. Sana pala minali ko ang madamot na doon na yon. Argh. Pag ako talaga nagbaon ng food, maglalaway lang sya dahil di ko sya bibigyan. Argh. Sasabihin ko sakanya na ubos na habang kinakain ko pa. Bwahahahahahah!
Homaygolay, bukas na ang bigayan ng card for the second quarter. Kaluka. Kinakabahan talaga ko kase bumaba ako sa Social at Fil. Ewan ko ba. Basta kahit top ten lang okay na. hay nakaw. The nerves, the nerves.
Gumala ngapala kami kanina. Okay lang, masaya din, bonding kami ni papa Leaster, kwento-kwento sya tungkol sa mga babae sa buhay nya. Natuwa nga ako ng maige sa kanya eh, ang kulet nya kasi magsalita, tamang lalaki talaga. Ahehe. Nakakaaliw sya magkwento. Natuwa din kami ng maige ng makita namin ang puting panty ni Momy Dhei at black na brief ni Mark. Mahabang kwento. Ahehe. Mga kabaliwan talaga naming lahat.
Ahm...
Yun lang eh...
Wish me luck for the top ten!!!!
Foxy
9:27 PM
|