|
♥ It's a giirl thing!!! ♥ |
Tuesday, November 14, 2006Enough with my rants about being a senior.
I want to confess something.
We didn't do a single thing in our standpoint session today.
Instead, we talked about.....
Uhm...
Boobs.
Hahahah!
I swear! We really talked about that..! And a lot of other things that we personally feel is relevant! Like...... our expenses being a student, Joanne, when we had our menstruation, and more boobs. It was really interesting and fun! Super girl talk talaga.
Yung sa expenses, eh kasi naman, puro compulsory na ticket!!! eh dang mamahal! As in namumulubi na kami! At yung quarterly exam namin sa THE last quarter, bayong na 200 pesos! San ka pa?! Kaya ayun, si Cez, kasama ang iba pa nyang riendshipness, nag-oorganize ng rally. Hehe. Kami, nag-oorganize ng cheering squad para sa kanila. Hehe.
Yung sa boobs naman kasi, ewan ko ba kung pano napunta dun yung usapan, basta bigla nalang mga kaboobahan ang pinagusapan namin. We got to enumerate some of our friends who are super "gifted" when it comes to the boob department(I am SOOOO not one of them) like... Ahm, wag nalang pala, mahalay. Hehe. Napagusapan din namin kung bakit yung iba chubby pero alang boobs tapos yung iba payat pero laki padin!!! Tapos jusme, si Kriselda, palibasa kasi dang gifted, nashock ng maige ng narealize nya na aba'y ala pala kong boobs. As in ilang beses nya tinitigan yung boobs ko at kulang nalang ay hawakan nya para malaman kung ala nga talaga. Juskopo talaga. Nagbigay din sila ng mga tips sakin para mapalaki yung boobs ko, yung iba mukang baliw, yung iba mahalay, pero di naman ako desperado na maging kasize ng boobs si Ruffa Mae Quinto. Bigat-bigat ng may bitbitin kang ganun kalaki eh. Hehe.
Si Joanne naman, ala lang, super dang conservative kasi nya. As in para syang galing sa panahon ni Maria Clara. Eh wala lang, parang di na proper yung ganun kaconservative considering yung times natin ngayon.....
Yung sa menstruation, nakakaaliw kasi nagshare kami ng mga experiences namin nung una kami nagkaron. Si Angela sumigaw ng makitang may blood, si Alyssa umiyak, at si Clah nanigas sa tabi ng pinto ng classroom namin nung second year. Hahaha! Ako naman, naaliw ako masyado sa napkin, isang pack yung naubos ko sa loob ng isang oras kasi di ko alam na kailangan pala na puno na bago ko palitan. Hehe.
Anak ng cellphone, may nagpatype sakin as in now lang, kainis, hirap kausap, pacute pa masyado, feeling naman nya interesado ako. At feeling ko underpaid ako considering inistorbo nya ang aking pagbblog at minadali nya ko. Mga tao talaga oh.
Anyway, nagenjoy talaga ko ngayong araw. Ewan ko kung baket.
Hehe.
Here's to boooooobs!!!!!
Foxy
7:50 PM
|